Thursday, July 07, 2005

anger management

A column of red ants marches in the dimming light towards a dead lizard. Their comrades had already begun to tear at the flesh of the lifeless reptile, and they were there to carry the food back to their nest.
Nakakainis talaga. Ang tanga tanga ko. Multiple choice na nga yung exam binagsak ko pa!
Suddenly, a green bottle appears, tipping over and drenching the ant column in alcohol. The ants panic and break away from their formation, but the flood of alcohol stings at their bodies and keeps them from going far.
Isipin mo ba naman, 12 over 20! Nakakairita talaga! Buti nalang quiz lang yun, at pasado naman ako e, 50% naman nung highest score daw yung passing. Eh 19 lang yung highest...
The alcohol drenches the entirety of the ant column. Hundreds of ants are now wading through the stinging liquid when suddenly, a light flickers in the darkness...
Bakit ba ang iinit ng ulo niyo? Bakit ba ang susungit niyo? Minsan na nga lang tayo magkita e...
A fireball blazes in the sky; molten plastic from the burning cotton swab drops in the middle of the alcohol lake and explodes. A wall of blue flame sweeps over the hapless ants and incinerates them where they stand.
Dami namang problema... Nakakainis talaga! Bakit ba ganito? Bakit ba ganyan? Di ko talaga maintindihan!!!
Whoosh. Crackle. Pop. The sound of the burning ants fills the air. Not one survived the fireball; all were turned into blackened, crispy, twisted carcasses. But that ant column came from somewhere...
Nalulungkot talaga ako ngayon. Depressed ba? Di naman siguro. Weirdo lang siguro ako. Wala akong sinabihan pero muntikan na akong mapaiyak kanina. Nahawa ba ako sa kanila? Di naman siguro... sana...
Thunder. Whistling. Boom! Crash! Kaboom! Kablam! Artillery pounds the hill that contains the ant nest. Rocks fly through the air, crashing into the soft earth and sand.
Haaay, buhay talaga... May klase pa nga pala ako, pero leche! Lagi nalang late prof ko! 1:00 ang klase, 1:20 darating! Kainis!
A metal-tipped umbrella slams into the soil, piercing into the bowels of the colony. Tunnels collapse and chambers crumble. But the entire colony sallies forth, thousands swarm out of the devastated ant hill.
Isa pang mabagal... Ano ba yan! Tatlumpung minuto na akong nakatayo dito, wala pang jeep! Puro Toki at Ikot, walang Katipunan! Aaaargh!!!!!
Thousands of ants emerge into the surface; a red horde bent on revenge. But the green bottle appears once again, pouring alcohol on the seething red mass crawling on the ground. The ants try to scatter, sensing the impending doom. Too late.
Traffic?! Nakakainis na talaga! Ang tatanga naman kasi ng mga lecheng ito e! Diretso ng diretso, walang nagbibigayan! Busina ng busina, harurot ng harurot! Punong puno ng usok ang mainit na hangin; mahirap huminga, mahirap mag-isip!
Again the fireball falls. Again the blue flames burn. Genocide. Thousands of ants now lie dead on the ground. Scorched earth. Even the bushes nearby are scarred by the heat of the flames. The few survivors flee into the dark grass, refugees from the holocaust perpetuated by a sadistic madman.
Sa wakas, nakauwi narin. Tapos na ang araw na ito. Pahinga na. Relax na. Tama na ang pag-iisip. Magpalamig na ng ulo. Makalabas nga sa hardin, marami nga palang langgam doon...

1 comment:

Anonymous said...

Nahawa? -____-. So sakit pala kapag masungit at di maintindihan ang tao? Grabe ka naman.